본문 바로가기

천국과지옥2/천국과지옥·3

[스크랩] 9.28긴급메시지(짐승의표666)-필리핀 타갈로그어

TATAK NG HALIMAW (666)
RFID


"Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon. Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapakat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666." (Pahaya 13:16-18 Ang Biblia)

ANG 666 AY ISANG SISTEMA NG PAMAHALAAN PANG DAIGDIG

Sa ngayon, ang computer-assisted biometric identification systems ay kasalukuyan sinusulung sa mabilis na paraan, at ito'y kaagaran na tinatangap ng lipunan. Napakaliit na computer chips na ginagamitan ng RFID (Radio Frequency Identification) na technolohiya, ay kasalukuyan ginagamit na sa mga electronic appliances, retail goods, mga alagang hayop, at tao. Ito'y hindi kathang isip lamang o bagay na mangyayari sa darating - ito ay ginagamit na sa kasalukuyan.

Sa madaming parte ng mundo ang Applied Digital Corporation's human implanted RFID microchip (VeriChip) ay ginagamit na upang makatulong sa pag diagnose ng Alzheimer's disease, mental illness, diabetes, sakit sa puso at pag hadlang sa kidnappings. Sa darating na panahon, itong klase ng biochip ay malawakan gagamitin at ilalagay para sa pagpapakilala o personal identification, protection, pag monitor, tracking, commercio at mga pag gamit na hindi natin pa ma alam.

Ang nakakalungkot sa pag gamit ng biochip na ito, ay nag tatago ng personal identification o mga information na inilalagay o itinatago sa computer bilang basihan. Ang inyong katawan ay magiging isang bagay na pwedeng bakasan o sundan. Ang pag lagay ng microchip na ito ay nagbabago ng kaisipan, katawan physical, at sa huli ay ang - spiritual. Ang problema sa pag gamit ng biochip sa tao ay hindi lamang pang simpleng bagay, medical, political o legal na issue.

Si Satanas ay nag tratrabaho dito sa mundo at hinuhugis ang mga tao at lipunan upang makamtan ang kanyang minimithi. Alam natin o hindi, ang anti-kristo ay nagpupumilit sa tao upang sundin ang kanyang kagustuhan na mukhang sa ikabubuti ng lahat ngunit, sa pagsunod sa halimbawa ng makatao na kasaysayan at pag suway sa Dios, ito ay magdudulot lamang ng hirap at paghihinagpis hangang sa pagdating ni Kristo muli.

"Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit muling gumaling. Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng buhay ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya." (Pahayag 13:14-15 Ang Biblia)

Darating ang panahon na ang lipunan at buhay ng tao ay paghaharian ng isang systema na may sariling pagnanaig na ang tao ay pwedeng i-monitor, analyzed, sukatan at pag aralan ng computers. Sa panahon na yon, sinoman na ayaw tumangap sa systema na yon ay pahihirapan at papatayin.

ANG PAGHUBOG NG ISANG LIPUNAN NA MADALING MAKITA ANG LAHAT

Ang mundo ngayon ay papunta sa lipunan na ang lahat ng tao ay madaling maka hanap ng bagay, lugar, at sa anoman oras kahit nasaan lugar. Ang pag implementation ng RFID technology sa mga malls at tindahan ay isang halimbawa. Batay sa pag tancha malapit na ang karamihan ng mag tindahan at malls na gagamit ng RFID technology. Ito ay papalit sa bar codes na ginagamit na ng nakaraan 30 taon.
And kadahilanan ng pagpapasulong ng RFID ay pinaniniwalaan na tayo ay mabubuhay na mas walang panganib, mapayapa, mas madali, mas may kaayusan at mas maginhawang buhay. Ito ay sa pag gamit ng technolohiyang sa pangangasiwa ng pang araw araw na buhay. Sa kadahilanan ng kagustuhan ng lipunan na gumamit ng automated financial management, instant communication at security, ang RFID enabled biochips na ilalagay sa katawan ng tao ay pwede na mangyari. At sa gayon ito ay magpapalit sa ginagamit natin salapi na madaling nakawin, mawala at taguin. Sa malapit na panahon:

1) Ang lahat ng tao ay hihilingin na magkaroon ng biochip. Lahat ng operation pang economya ay gagamit nitong chip upang palitan ang ginagamit natin na pang salapi.
2) Magkakaroon ng privacy invasion at mawawalan ng kalayaan ang tao.
3) Isang makarisma na pinuno na si Anti-Kristo ay mag hahari sa buong mundo na ang systema ng pamamalakad ay magkakaduktong at magkaugnay ang lahat.

TATAK NG HALIMAW SA KATAWAN, HINDI NATIN PWEDENG TANGAPIN (Pahayag 14:9,11; Pahayag 16:2)

1) Ang pagtangap ng tatak ay isang walang kapatawaran o pagbawi ng pag benta ng kaluluwa kay Satanas. Itong kasalanan ay walang kapatawaran at hindi pwedeng bawiin sa pamamagitan ng pagtangal ng tatak (Pahayag 14:9-11). Ang inyong kaluluwa ay pagaari ng Dios. Kapag tinangap niyo ang tatak ikaw ay pagaari ni Satanas na.

2) Kapag tinangap niyo ang tatak ikaw ay sadyang sumasampalataya sa tao at hindi sa Diyos. Ikaw ay aktibong pumili na mabuhay na walang mapagmahal na Dios na ang kagustuhan niya ay makasama ka sa langit ng walang hangan. Hindi kagustuhan ng Dios na piliin mo ang mabuhay sa impierno. Alam ng Dios ang mangyayari. At sapagkat mahal tayo ng Dios ito ay sinasabi sa atin. Ito ay ipinahayag na sa mga kasulatan ni Apostol Juan sa Pahayag noong 100 AD. Kung ikaw ay hindi kinuha papuntang langit at naiwan dito sa lupa para sa kapighatian o tribulation, hinding hindi mo pwedeng tangapin ang tatak ng halimaw kahit na ikaw ay pahirapan at patayin dahil sa hindi mo pagtangap ng pamumuno ni Satanas. Ito ay dapat mong tandaan sapagkat ang pag asa ng kalangitan ay bukas pa hangang sa katapusan.

TINANGAP MO NA BA SI JESUS BILANG IYONG PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS?

Sapagkat ang lahat ay nangagkasala at hindi umabot sa kalualhatian ng Dios. (Rom 3:23)

Ang pera ay hindi lahat lahat. Ang tao ay hindi pwedeng lumapit sa Dios sa pamamagitan ng paniniwala sa ibang dios, katuwiran, disiplina, o sa pag gawa ng kabutihan. Ang tanging personal na relasion kay Kristo Hesus lamang ang mag bibigay ng pagkamatuwid na katayuan sa banal na Dios pag dating ng huling kasaysayan. Sa kadahilanan na ito si Jesus Christ ay nag pakahirap sa krus, nag buwis ng dugo, namatay, at nabuhay muli. Ito ay nangyari upang ipakita ang ninanais, abilidad at kalualhatian ng pag salba sa atin sa kasalanan at kamatayan.

Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (John 14:6)

Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas. (Rom 10:9-10)

Ikaw ay dapat sumampalataya kay Hesus at Siya'y namatay dahil sa iyong kasalanan. Mahal ka ni Jesus.

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (John 3:16)

Unawain na ikaw ay makasalanan at kinakailangan manalangin na may pananampalataya. Kailangan tangapin mo si Jesus bilang iyong tagapagligtas. Tiyak na mayroon langit at impierno. Si Jesus Christ ang tanging daan sa langit.

SI JESUS AY MALAPIT NG DUMATING, PAGHANDAAN ANG RAPTURE

Si Jesus na nag nagtubos sa atin sa pamamagitan ng krus ay mag hahanda ng isang lugar at babalik na kasama tayo. Ito'y ipinangako niya. (Juan 14:3) Ang rapture ay magaganap bago ang malaking kapighatian (Pahayag 3:10). Sinabi ni Jesus, "Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon." (Mateo 16:3 Lukas 12:56)

MGA MINAMAHAL KONG HINIRANG KAY KRISTO HESUS

Ang rapture ay inilaan sa mga banal na itataas sa langit sa pag ihip ng trumpeta. Ang mga hinirang ay itataas sa langit upang salubungin si Jesus sa ulap (1Tes 4:16-17). Ang rapture ay inilaan sa mga sumasampalatay na nakasuot ng puting balabal. Ang kanilang physical na katawan ay mababago at ito'y magiging malualhati na katawan at magiging lugod sa Dios, (Pahayag 19:7-8)

Kapag ikaw ay nanatiling maligamgam, isusuka ka ni Jesus kaya dapat huwag kang manatiling ganitong mananampalataya (Pah 3:16). Ang unang pagdating ni Jesus ay magdala ng kaligtasan, ngunit ang kanyang pagbalik ay salubungin ang mga handa at naghihintay sa ulap sa tunog ng trumpeta at ito ay tinatawag na Rapture. Ang Panginoon Jesus ay kukunin ang kanyang mga anak na kasama niya tungo sa langit. Pagkatapos ng tribulation o kapighatian si Jesus ay muling babalik dito sa lupa kasama ang mga banal na naraptured upang tumungo sa bagong Jerusalem. Ito ay ang pangalawang pagbabalik. Hindi ba't kayo lamang ang aming pag-asa, kaligayahan, at ang koronang maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Jesus pagparito niya? (1Tes 2:19)

Sa pagbalik ni Jesus, tanging mga raptured na banal lamang ang iprepresenta sa luklukan ng kalualhatian (1Cor 15:49-55). Kahit hindi natin alam ang kanyang pagdating, ang mga anak ng liwanag ay hindi nasa kadiliman upang ang araw na yaon ay katumbas ng pagdating ng magnanakaw (1Tes 5:4-5). Huwag maging maligamgam na mananampalataya at huwag matulog kundi gising at magsipanalangin (1Tes 5:1-4). Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating, (Pah 3:3). Yaong mga maligamgam ang pananampalataya, mga tali sa maka mundong pamumuhay, at mga hindi tagapagsunod kay Jesus ay maiiwan dito para sa malawak na kapighatian. Ang malawak na kapighatian ay pinaka mapanirang panahon sa lahat ng kasaysayan. Ang lahat ng hindi nakuha sa rapture at dadaan sa malawak na kapighatian ay hindi dapat tumangap ng biochip (na nagsisimbolo ng pangalan ni satanas) sa kanilang katawan (kanan kamay o noo; Pah 13:16, Pah 20:4) kahit sa punto ng kamatayan. Ang mga kristiano na magpakamatay ay mapupunta sa impierno. Sa pag tangi ng itong chip, ikaw ay pahihirapan at papatayin. Para sa mga hindi nananampalataya o hindi tagapagsunod kay Jesus hindi ka lamang tatangi sa paglagay ng chip sa katawan, ikaw ay dapat maghayag sa iyong bibig na si Jesus ay iyong Panginoon at tagapagligtas, maghingi ng patawad sa iyong mga kasalanan at sumampalataya sa iyong puso na Siya ay Anak ng Dios at Siya ay namatay para sa atin. Amen.




첨부파일 TATAK NG HALIMAW.hwp